Most wanted personality sa Las Piñas, napatay ng pulisya

Hajji Kaamiño, DZMM

Posted at Oct 30 2016 09:12 AM

MANILA - Dead on the spot ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang "One Time Big Time" operation sa Barangay Almanza II, Las Piñas, Sabado ng gabi. 

Kinilala ang suspek na si Allan Acibar, numero uno sa most wanted persons list ng lungsod.

Ayon kay Senior Superintendent Jemar Modequillo, namukhaan umano ng mga operatiba si Allan Acibar na may warrant of arrest para sa kasong robbery. 

Sa halip anya na sumuko ay tumakbo ito sa madamong lugar at nagpaputok ng kalibre .38 na baril, dahilan para gumanti ang mga pulis. 

Naaresto naman sa bisa ng search warrant ang umano'y tulak ng ilegal na droga na si Jennifer Natera matapos mahulihan ng pitong pekete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Dinampot rin ang 13 indibidwal na nag-iinuman sa kalsada at pitong menor de edad na pagala-gala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.