Lalaki patay matapos mahulog sa bangin ang sasakyan sa Cebu

Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2017 01:40 AM

Nahulog sa bangin ang isang sasakyan matapos mawalan ng kontrol ang manibela at hindi gumana ang brake sa Balamban, Cebu ngayong Sabado.

Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos mahulog sa bangin ang kanyang minamanehong sasakyan sa Balamban, Cebu Sabado.

Ayon sa pulisya, nasiraan ng brake ang sasakyan ni Markjun Abadilla na taga-Cebu City.

Nawalan umano ng kontrol ang manibela ng biktima at hindi gumana ang brake na dahilan ng pagkahulog ng sasakyan sa bangin nga may lalim na aabot sa 100 metro. 

Patay na nang madala sa pagamutan si Abadilla. Nag-iisang sakay lamang siya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.