Pedicab driver patay sa pananaksak

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2017 10:18 AM

DAVAO CITY – Patay ang isang 18-anyos na pedicab driver matapos pagsasaksakin sa Matina dito Biyernes ng gabi.

Hindi pa nakikilala ang suspek na pumatay kay Richard Limcaoco sa RMC Compound, Lanzona Village.

Nagulat ang may-ari ng pedicab na si Ruby Masandang sa nangyari. Aniya, wala namang atraso ang kaniyang driver.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng dinala ang biktima sa madilim na lugar at dito pinagsasaksak.

Personal na away ang isa sa mga tinitingnan na motibo sa pagpatay kay Limcaoco.

Kinakalap na ng awtoridad ang mga testimonya ng mga huling nakakita sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.