ALAMIN: 61 bansang visa-free para sa may PH passport

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2017 11:18 PM

Sisimulan na sa Enero 1, 2018 ang pag-iisyu ng mga pasaporte na may 10 taong bisa o validity.

Ito'y matapos na ilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Oktubre 26, ang implementing rules and regulations para sa batas na nagpapalawig sa validity ng mga passport.

Base sa department order na nilagdaan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ibibigay ang mga passport na ito sa mga nag-a-apply pa lang sa unang pagkakataon, sa mga kumukuha ng replacement, at nag-re-renew.

Pero limang taon lamang valid ang pasaporte para sa mga menor de edad.

"Regular passports issued to Filipinos under 18 years of age at the time of application shall be valid for 5 years," nakasaad sa order. 

Tiniyak din ng Palasyo na P950 pa rin ang bayad sa pagkuha ng passport.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Agosto 2 ang Republic Act (R.A.) No. 10928 na nagpapalawig sa bisa o validity ng pasaporte hanggang 10 taon mula sa kasalukuyang limang taon.

Walang visa

Sa inilabas naman na ranggo ng mga pasaporte sa buong mundo, nasa ika-66 na puwesto ang pasaporte ng Pilipinas na maaari lamang makapasok sa 61 bansa nang walang visa bago bumiyahe.

Sa ranking ng international global financial advisory firm na Arton Capital, kaparehas ng Pilipinas ang Uganda na may visa-free access din lang sa parehong bilang ng mga bansa.

Nanguna sa tala ang Singapore passport na may visa-free access sa 159 na bansa, sinundan ng Germany passport na hindi kailangan ng visa sa 158 na bansa.

Narito ang listahan ng mga bansang puwedeng mapuntahan ng may Philippine passport at hindi kailangan ng visa bago bumiyahe:
 
Visa-free:

  • Bolivia
  • Brazil
  • Brunei
  • Cambodia
  • Colombia
  • Costa Rica
  • Cote d'Ivoire (Ivory Coast)
  • Ecuador
  • Fiji
  • Gambia
  • Haiti
  • Hong Kong
  • Indonesia
  • Israel
  • Laos
  • Macao
  • Malaysia
  • Micronesia
  • Mongolia
  • Morocco
  • Myanmar [Burma]
  • Palestinian Territories
  • Peru
  • Rwanda
  • Singapore
  • St. Vincent and the Grenadines
  • Suriname
  • Thailand
  • Vanuatu
  • Vietnam

Visa on arrival

  • Armenia
  • Cape Verde
  • Comoros
  • Djibouti
  • Dominica
  • Guinea-Bissau
  • Iran
  • Kenya(e-Visa)
  • Kyrgyzstan
  • Madagascar
  • Malawi
  • Maldives
  • Marshall Islands
  • Mauritania
  • Mauritius
  • Mozambique
  • Nepal
  • Nicaragua
  • Palau
  • Papua New Guinea
  • Saint Lucia
  • Samoa
  • Tanzania
  • Timor-Leste
  • Togo
  • Trinidad and Tobago
  • Tuvalu
  • Uganda

Visitor's permit:

  • Seychelles

Electronic Travel Authorization

  • Sri Lanka

E-visa

  • India
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.