'Napapabayaang' basura sa El Nido, nagiging problema

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 05:21 PM

Itinuturing na paraiso ang bayan ng El nido, Palawan, patunay ang ilang parangal at papuri na natanggap nito mula sa online bloggers at travel magazines.

Pero dismayado ang ilang turista sa nakita nilang nagkalat na basura kamakailan. Ang iba, isiniksik pa sa mga rock formations ang kalat.

Inilapit na umano ito ng ilang bisita sa lokal na pamahalaan pero tila wala umanong aksyon.

Depense ng lokal na pamahalaan ng El Nido, galing sa ibang bayan ang basura na natangay lamang ng malakas na alon.

Inamin naman nito na may problema sa kanilang solid waste trucks na pumapalya.    

Nagtalaga na umano sila ng mga magbabantay sa kalinisan ng isla at pagtutuunan din ng Protected Area Management Board ang problemang ito.

Anila, hindi na nila hihintayin na ang isyu sa kalinisan ang ikasira ng imahe ng turismo sa Palawan. -- Ulat ni Rex Ruta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.