Ilang tindahan sa Borongan, Eastern Samar nasunog

Mel Bingco, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 08:07 PM

Ilang tindahan ang nasunog sa Borongan City Miyerkoles ng hapon. Alren Jerome Beronio, ABS-CBN News

Nasunog ang ilang tindahan sa Borongan City, Eastern Samar Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa inisyal na impormasyon ng Bureau of Fire Protection-Eastern Visayas, nagsimula ang sunog bandang alas-2 ng hapon at idineklarang fire under control bandang alas-3 ng hapon.

Nagtulong-tulong ang ilang residente para maapula ang apoy na sumira sa ilang tindahan malapit sa isang department store at fastfood chain.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.