Mangingisda mula Palawan, napadpad sa Negros Occidental

Meneil Lopez, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 06:12 PM | Updated as of Oct 24 2017 09:13 PM

NEGROS OCCIDENTAL - Nasagip sa bayan ng Sipalay sa Negros Occidental ang isang mangingisda mula Palawan na isang linggo nang nawawala.

Kinilala ang mangingisda na si Orlando Warizal, 65 taong gulang at mula sa Fisherman Village sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ika-17 ng Oktubre nang huling makita si Warizal at ang kanyang kasama bago siya nasagip Lunes ng umaga.

Nasa ilalim ng pangangalaga ng Coast Guard Station sa Bacolod si Warizal at nakatakda siyang bumiyahe pabalik sa Palawan sa HUwebes.

Ayon kay Warizal, pitong araw siyang hindi kumain. Sa kabila nito, masaya siyang nakaligtas siya sa insidente.

Ikinalungkot naman niya na hindi pa rin natatagpuan ang kanyang kasamang si "Sammy."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.