La Niña, maaaring maramdaman sa huling bahagi ng taon: PAGASA

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 03:15 PM

Nagbabala ang PAGASA na posibleng maramdaman ang La Niña sa huling bahagi ng taon. 

Ayon sa PAGASA, Setyembre pa nila binabantayan ang posibleng development ng La Niña na maaaring maramdaman ngayong dulo ng Oktubre o kaya ay papasok ng Nobyembre at tatagal hanggang unang quarter ng 2018. 

Sinabi rin ng PAGASA na asahan nang magiging maulan sa maraming bahagi ng bansa sa mga darating na buwan dahil sa La Niña.

Bagyo, papasok sa bansa ngayong linggo

Samantala, isang bagyo ang inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility at magpapaulan sa bansa ngayong linggo.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 2,145 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Inaasahang magpapaulan ito sa Visayas at Mindanao sa Miyerkoles o sa Huwebes.
    
Apektado pa rin sa ngayon ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang Mindanao, Western Visayas at Palawan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.