Naghahanap ng serbisyo ng tubero? Puwedeng itawag sa parokya

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2017 05:39 PM

Isang parokya ang nagbukas ng hotline o numero para sa mga nangangailangan ng mga tubero o kaya'y manggagawang mag-aayos ng iba pang gamit sa bahay.

Handog ng Immaculate Conception Parish sa Marikina para sa kanilang mga parokyano ang serbisyo ng mga accredited na tubero at repairman, ayon kay assistant parish priest Fr. Uldarico Dioquino.

Magsisilbing "third party" ang parokya dahil ito ang magpoproseso ng mga transaksiyon sa pagitan ng mga kliyente at mga manggagawang magbibigay ng serbisyo.

Bibigyan ng parokya ng identification card ang mga manggagawa, ayon kay Dioquino.

Maaaring bigyan ng accreditation ang kahit sinong manggagawa, kahit ang mga retirado. 

Hindi rin daw isyu ang edad, kasarian o relihiyon basta may sapat na kakayahan na pasok sa pamantayan ng parokya.

Layunin ng parokyang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga walang trabaho, lalo na ang kabataang may kakayahan kahit hindi nakapag-aral.

-- Isinalin mula sa ulat ng CBCP News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.