Lalaki inuntog ang kapwa pasaherong babae, arestado

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2017 09:12 AM | Updated as of Oct 23 2017 03:40 PM

MANILA - Inaresto ang isang lalaki matapos umanong iuntog ang isang babae sa pader ng sinasakyan nilang jeep papuntang Monumento, Caloocan Lunes. 

Kuwento ng biktimang si Arlene Otico, naramdaman niyang may humihipo sa kanya kaya nagbanta siyang magsusumbong sa mga pulis. 

Dahil dito, kaagad bumaba ang 3 lalaking kapwa niya pasahero, pero bago tuluyang makaalis ay inuntog umano ni Nathaniel Herrera si Ortico sa jeep. 

Agad nakapagsumbong sa mga pulis ang mga nakakakita sa insidente kaya nahuli si Herrera. Hindi naman nahuli ang 2 nitong kasamahan. 

"Sabi sa amin, may nag-aaway. Yun pala inuntog. Saka namin nahuli ito nga," sabi ng imbestigador na si PO1 Ronnie Perocho. 

Nakuhanan aniya si Herrera ng kutsilyo. 

Humingi siya ng ng tawad sa biktima, pero desidido si Ortico na sampahan ito ng kasong physical injuries. Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.