Sapul sa CCTV: Panloloob sa simbahan sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2017 09:35 PM

Nakuhanan ng CCTV ang umano'y pagnanakaw ng isang lalaki sa simbahan sa Batangas City.

Pumasok ang lalaki sa gate ng Santa Rita de Cascia Parish sa Barangay Bolbok patungo sa kuwarto ng kura paroko.

Makalipas ang ilang minuto ay nagmamadali na itong lumabas.

Nakasalubong pa niya ang katiwala ng parokya, at nagdahilan na hinahanap lang daw niya ang pari.

Agad na ipinaalam ng katiwala sa pari ang nangyari.

Doon na natuklasan na binaklas pala ng kawatan ang cabinet ng pari at tinangay ang ilang gamit at perang nagkakahalaga ng P30,000.

Kita rin sa isa pang kuha ng CCTV na sumakay ng tricycle ang kawatan.

Hinala ng awtoridad, kasabwat ang tricycle sa krimen. 

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.