Kasabwat umano ng drug lord, arestado sa Cebu

Joworski Alipon, ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2017 03:38 PM

Isa umanong kasabwat ng self-confessed drug lord na si Franz Sabalones ang naaresto ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Central Visayas sa Cebu City, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Dennis Lapa, 40 anyos, residente ng Barangay Ibo, Toledo City.

Nahuli si Lapa sa Barangay Mambaling sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon sa awtoridad, tinangka pa umanong tumakas ni Lapa at pumalag nang arestuhin.

Nakuha mula sa operasyon ang isang kalibre .38 revolver, 3 bala, dalawang medium sachet at anim na small sachet ng hinihinalang shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.