Chinese, patay sa pamamaril sa CCP Complex

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2016 12:03 PM

Patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang Chinese sa bahagi ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex sa Roxas Boulevard, Pasay City dakong 9:00 ng gabi Miyerkules.

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila si Su Zi Wei, ngunit hindi na siya naisalba.

Batay sa ulat, isang riding-in-tandem and tumabi sa Fortuner na sinasakyan ng biktima. Sinipat pa umano muna ng suspek kung sino ang nasa loob bago bumunot ng baril at pinaputukan ang sasakyan at tinamaan ang biktima.

9:00 ng gabi Miyerkules naganap ang krimen, ngunit 3:00 ng madaling araw Huwebes ay wala pa ring nagpo-proseso sa crime scene.

Wala raw gustong umako ng responsibilidad kung sino ang may hurisdiksyon sa insidente.

Una nang iginiit ng Manila Police District (MPD) Station 9 sa Malate, Maynila na hindi nila sakop ang lugar kung saan naganapa ang insidente ng pamamaril matapos ito i-report ng kaanak ng biktima. Kanila itong ipinasa sa Pasay Police, pero hindi rin nila ito tinanggap.

- Ulat ni Hajji Kaamiño, DZMM