Bulusan, muling nagbuga ng abo

Jose Padilla Carretero, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2016 04:00 PM

Ikalawang beses nang nagbuga ng abo ang Bulkan Bulusan sa linggong ito. Kuha ng Bulusan High School

Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon 4:58 Miyerkules ng madaling araw. 

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) resident volcanologist Ed Laguerta, phreatic eruption ito na tumagal ng halos siyam na minuto. 

Nagmula ang pagsabog sa isa sa mga vent o uka nito sa South East upper slope ng bulkan. 

Dahil sa ibinagsak na abo suspendido ngayon ang klase sa buong bayan ng Bulusan. 

Lunes pumutok din ang bulkan. Nanatili ngayon sa alert level one ang bulusan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.