Miyembro umano ng 'Termite Gang', arestado sa Benguet

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2017 11:25 PM

BENGUET - Arestado sa La Trinidad, Benguet ang isang miyembro umano ng hinihinalang "Termite Gang" na sangkot sa panloloob ng isang bangko sa Camarines Sur noong Oktubre 9.

Lunes ng tanghali nang mahuli ang suspek na si Rommel Pis-ew sa pinagtataguan nitong bahay sa Barangay Ambiong.

Natunton ito sa tulong ng mga witness.

Hindi pa nahuhuli ang ibang kasama nito pero patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para mahanap ang sasakyan na ginamit ng mga magnanakaw.

May conduction sticker ang van na YW 2576.

Aabot sa higit P30 milyon ang halaga ng pera na ninakaw umano ng sindikato.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.