3 bahay naabo sa sunog sa Butuan City

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2017 12:23 PM

Video courtesy of Gerald Rago

Tatlong bahay ang naabo matapos na sumiklab ang apoy Martes ng madaling araw sa Butuan City.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa kisame ng bahay na pagmamay-ari ni Antonio Dolera Sr. at agad na kumalat sa mga katabing bahay sa Purok 11, Barangay Obrero.

Ayon sa BFP, electrical short circuit ang dahilan ng sunog na aabot sa P500,000 ang halaga ng pinsala.

Agad namang naapula ang apoy.

Kasalukuyang nakitira sa kanilang mga kapitbahay ang mga apektadong pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.