12 silid-aralan sa Dulag, Leyte, nasunog

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2017 01:10 AM

Video courtesy: Ace Cagara Sadiua

LEYTE - Nasunog ang 12 silid-aralan sa San Jose Central School sa bayan ng Dulag, Leyte Linggo ng hapon.

Ayon sa impormasyon mula kay Fire Chief Inspector Charlie Gerzon, provincial fire marshall ng Leyte, bandang 1:00 ng hapon nang mag-umpisa ang sunog.

Naapula ito bandang 3:00 p.m. dahil na rin sa tulong ng mga bumbero mula sa mga karatig-bayan.

Walang naiulat na nasugatan o nasaktan sa insidente.

Tinatayang aabot sa P1.8 milyon ang pinsala sa sunog.

Patuloy na iniimbistigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng nasabing sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.