Lalaki patay matapos tambangan ng 8 gunman

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2016 09:08 AM

MANILA - Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin umano ng walong lalaking sakay ng motorsiklo sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Nagkabali-bali pa ang buto sa kamay ng biktima dahil sa dami ng mga tinamo niyang tama ng baril.

Kwento ng residenteng si TJ Santos, dakong hatinggabi nang makarinig siya ng magkakasunod na putok ng baril sa Pasig Street, Barangay 35.

"Madami po... Akala ko nga New Year," patungkol ni Santos sa mga putok.

Naabutan niya sa crime scene ang walong lalaking sakay ng apat na motorsiklo. Anya, "Mabilis takbo nila, naka-jacket sila. Yung iba, naka-bonnet; 'yung iba naman, naka-half mask."

Narekober sa crime scene ang 20 basyo ng bala.

Hindi pa nakikilala ang biktimang nanggaling umano saklaan bago ang pamamaril. Iniimbestigahan pa rin ang motibo sa krimen. -- May ulat ni Fred Cipres, DZMM