Mga kritiko ni Duterte, may sagot sa bantang ‘revolutionary government’

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2017 09:34 PM

Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte ng "revolutionary government" at idedeklara pa umanong bakante ang lahat ng posisyon sa gobyerno.

Ito'y sa gitna ng sinasabi niyang destabilization plot ng mga rebeldeng komunista, elitista at Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika na gusto umanong pabagsakin ang administrasyon.

Hindi raw sapat ang martial law dahil kailangan pang pa-aprubahan sa Kongreso.

"If I will declare a revolutionary government, arestado kayong lahat. Hindi ako nananakot . . . if I think you are about to take over the government, you destabilize the government, bantay kayo," ani Duterte. 

Pero ayon sa grupong Tindig Pilipinas, resulta lamang ang bantang ito sa pagka-alarma ng pangulo sa kaniyang bumababang trust ratings. 

"It is manifested in the slide in the surveys, from the increasing numbers of the various forms of protests, from the massive pushback on social media and from the president's increasingly irrational, indefensible and incoherent stances," pahayag ng grupo.

Tinawag pa nila si Duterte na "paranoid" sa pag-aakalang may nais magpabagsak sa kanyang gobyerno.

Maaalalang bumaba ang trust at satisfaction ratings ni Duterte sa pinakahuling survey na ginawa ng SWS at Pulse Asia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.