Marcos supporters, lalakad mula Ilocos Norte papuntang Korte Suprema

Denis Agcaoili, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2016 08:46 PM

Kuha ni Denis Agcaoili, ABS-CBN News

ILOCOS NORTE-- Mula Paoay Church sa Ilocos Norte, lumarga na ang "Kailian March" na binubuo ng mga Ilocano na sumusuporta sa pagpapalibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Maglalakad sila papuntang Korte Suprema.

Aasahang makakarating sila sa Lunes kung saan magdadaos sila ng vigil at doon na rin hihintayin and desisyon ng Korte Suprema.

Umaasa sila na madedesisyonan na ng Korte Suprema at matutuloy ang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.