#WalangPasok: Oktubre 13, Biyernes

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 05:21 AM | Updated as of Oct 13 2017 05:53 AM

MANILA (UPDATED) - Walang pasok sa mga sumusunod na lugar dahil sa mga pag-ulan na dala ng Bagyong "Odette" ngayong Biyernes.

Alinsunod sa kautusan ng DepEd:

Pre-school hanggang senior high school (Public Storm Warning Signal Number 2)

Batanes
Cagayan 
Babuyan group of islands
Apayao
Ilocos Norte

Pre-school hanggang kindergarten (Public Storm Warning Signal Number 1)

Isabela
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Ilocos Sur
La Union 
Benguet

Magdadala ang Bagyong Odette ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa loob ng 400-kilometrong diameter nito, ayon sa PAGASA.

Nag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Sta. Ana, Cagayan Biyernes ng madaling-araw.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, may lakas ang bagyo na 75 kilometers per hour malapit sa may gitna at pagbugsong 100 kilometers per hour.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.