#WalangPasok: Lunes, Oktubre 16

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 10:55 PM | Updated as of Oct 14 2017 08:06 PM

(UPDATED AS OF 7:10 P.M.) Kasunod ng anunsiyo na magdaraos ng tigil-pasada ang mga jeepney drivers sa iba't ibang bahagi ng bansa, walang pasok sa mga sumusunod na lugar sa Lunes, Oktubre 16:

Lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan

• Angeles City, Pampanga
• Davao City 
• Parañaque 
• San Fernando, Pampanga
• San Mateo, Rizal

Lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan

• Makati

Ilang paaralan na rin ang nagkansela ng pasok sa Lunes:

• National Teachers College

Ikinasa ng grupong Piston ang dalawang araw na tigil-pasada sa Lunes at Martes (Oktubre 16-17) bilang pagtutol sa phaseout ng mga lumang pampasaherong jeep dahil sa modernization program ng Department of Transportation.

Sinabi ng presidente ng Piston na si George San Mateo na makikilahok sa kilos protesta ang ilang transport groups mula sa Cagayan, Pampanga, Laguna, Camarines Norte, at Mindanao. 

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.