'Suplay ng bulaklak mula Benguet, sapat para sa Undas'

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 04:32 PM

Ngayong malapit na ang Undas, tiniyak ng flower farmers na sapat ang supply ng bulaklak sa Benguet, partikular sa pangunahing taniman sa barangay Bahong, La Trinidad.

"Wala namang masyadong mga uod ngayon, di gaya dati…mas okay ngayon, matataba,” ayon sa magsasakang si Jun Blanco. 

Dagdag pa ni Belmer Alis, barangay chairman ng nasabing lugar, nakatulong na hindi sila gaanong dinaanan ng bagyo ngayong taon. 

"Stable naman as of now, wala naman masyadong bagyo na dumaan dito sa atin so stable ang tanim."

Bukod kasi sa cut flowers, mabenta rin umano sa Undas ang mga nakapasong halaman. 

Sa ngayon, nananatiling regular pa ang presyo ng mga bulaklak.

Presyo ng mga pangkaraniwang bulaklak:     

  • P70 hanggang P180 ang presyo kada bundle ng rosas
  • P70 hanggang P120 naman per bundle ang Malaysian Mums

Inaasahang magtataas na ang presyo ng mga bulaklak pagsapit ng huling linggo ng Oktubre, bago ang Todos los Santos.


--Ulat ni Mae Cornes, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.