'Magnanakaw' na kasambahay, sumuko na

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 06:23 AM

Sumuko na sa Barangay Batasan, Quezon City ang kasambahay na inireklamong nagnakaw sa kanyang mga naging amo.

Alas-11:30 Huwebes ng gabi nang magtungo sa tanggapan ng barangay si Margie Teodoro.

Napag-alamang sa Alton St. sa naturang barangay siya nagtago at nagpasyang sumuko matapos mapanood ang mga balita tungkol sa kanya.

Isinuko din niya ang isang pouch, isang bag, at isang body spray pero wala na ang ibang mga gamit na ninakaw diumano niya. 

Ayon kay Danilo Barrion ng Barangay Batasan, umamin ang suspek sa nagawa pero P12,000 lamang umano ang inamin niyang ninakaw at hindi P100,000.

Nagawa umano niya ito dahil sa matinding pangangailangan.

Itinurn-over agad sa Quezon City Police District Station 12 si Tedoro para sa kaukulang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.