Bagyong Odette, papalabas na ng bansa

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 03:17 PM

Palayo na ng bansa ang bagyong Odette matapos bagtasin ang Northern Luzon.

Madaling araw ng Biyernes nang mag-landfall ang bagyo sa Sta. Ana, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 100 kilometro kada oras.

Mabilis na kumikilos si Odette palayo ng Luzon landmass, at nasa baybayin na sa Ilocos Sur.

Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw nakatakdang lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Odette.

Napapailalim pa rin sa storm number 1 at 2 ang ilang lugar sa bansa:

 Signal number 2 

- Ilocos Norte
- Batanes kasama ang Babuyan group of islands

Signal number 1

- Cagayan
- Abra
- Kalinga
- Apayao
- La Union
- Ilocos Sur
- Mountain Province
- Benguet
- Ifugao
- Pangasinan

Inaasahang gaganda na ang panahon pagsapit ng Sabado ng gabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.