'Odette', malabong lumakas pa, ayon sa PAGASA

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 07:51 PM

Napanatili ng bagyong "Odette" ang lakas nito habang patuloy na papalapit sa Cagayan, ayon sa weather bulletin ng PAGASA ng alas-5 ng Huwebes. 

Patuloy na gumagalaw ang bagyo sa bilis na 55 kilometer per hour (kph) at bugso ng hanging umaabot sa 65 kph, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

Maaring maging tropical storm si Odette bago mag-landfall sa Cagayan ngayong Huwebes ng gabi, sabi ng PAGASA. 

 

Ayon kay Nikos Peñaranda, forecaster ng PAGASA, maliit na lamang ang tiyansang lumakas ang bagyo dahil sa takbo nitong 30 kph.

Huling namataan si Odette sa layong 285 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Cagayan
  • Babuyan Group of Islands
  • Isabela
  • Apayao 
  • Abra
  • Kalinga
  • Mountain Province 
  • Ifugao
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur

Inaasahang makalalampas sa kalupaan ng Luzon ang bagyo sa Biyernes ng umaga, bago tuluyang lumabas ng Philippine area of responsibility sa Sabado.

Una nang nagkaroon ng mga kanselasyon sa biyahe dahil sa bagyo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.