Bagyong Odette, bahagyang lumakas; ilang flights, kanselado

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 02:31 PM

Bahagyang lumakas at bumilis ang Bagyong Odette habang papalapit sa Northern Luzon. 

Huli itong namataan sa layong 540 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, at may lakas na aabot sa 55 kph, at bilis na 30 kph.

Sampung lugar naman sa Luzon ang isinailalim sa signal # 1:

  • Batanes
  • Cagayan kasama ang Babuyan group of islands
  • Isabela
  • Apayao
  • Abra
  • Kalinga 
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Ilocos Norte 
  • Ilocos Sur

Inaasahang lalakas pa ang Bagyong Odette bago mag-landfall sa Cagayan ngayong Huwebes ng gabi.

'Kanseladong flights'

Apat na domestic flights naman ang kanselado dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng Bagyong Odette. 

Ito ay ang mga sumusunod:

  • PAL Express flight 2P014
  • PAL Express flight 2P015 
  • Cebu Pacific flight 5J504
  • Cebu Pacific flight 5J505 

Pinaalalahanan ang mga apektadong pasahero na puwede silang magpa-rebook o mag-refund ng pamasahe sa loob ng 30 araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.