2 construction worker patay sa landslide sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 06:00 PM

Photo courtesy of the Lavezares Police

CAPTION: Construction site kung saan naganap ang insidente sa Libas Elementary School sa Northern Samar. Lavezares Police 

Dalawang construction worker ang nasawi sa pagguho ng lupa sa Libas Elementary School sa Northern Samar, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa impormasyon mula sa Police Regional Office VIII, ang mga namatay ay kinilalang sila Jonnel Nabor, 21, at Elmer Abayon, 30, residente ng Barangay Kalabog sa bayan ng Victoria, Northern Samar.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagtatrabaho ang dalawa sa itinatayong classroom sa nasabing paaralan nang mangyari ang landslide.

Sinubukan ng rescuers na makuhang buhay ang mga biktima ngunit patay na ang mga ito nang marekober.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.