4 huli sa pagnanakaw sa bodega ng pabango

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2017 08:41 AM

MANILA - Kalaboso ang 4 na lalaking naaktuhang nagnanakaw sa bodega ng pabango sa Mandaluyong, Miyerkoles. 

Dalawang beses nang nakapagtangay ng mga pabango ang grupo matapos makumbinsi ang dating guwardiya ng bodega na makipagtulungn sa kanila. 

Sinubukan nilang makuha ang loob ng panibagong guwardya pero nagsumbong ito sa mga awtoridad na nagkasa naman ng entrapment operation. 

Nakapagkarga na ng P500,000 halaga ng pabango ang grupo sa kanilang sasakyan at patakas na sana nang arestuhin sila ng mga awtoridad. 

Kabilang sa mga nahuli si Ramil Camoan, empleyado ng warehouse at mga kasama niyang sina Ronald Tuvera, Cedrick Como at Leo Arot. 

Nahaharap sa kasong qualified theft si Camoan habang theft naman kaso ng 3 niyang kasama. Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.