Mahigit 300 tauhan, kailangan ng PDEA

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2017 03:32 AM

Nangangailangan ng mahigit 300 tauhan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kampanya kontra droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nangangailangan ang kanilang ahensiya ng 373 empleyado para punan ang mga bakanteng posisyon sa kanilang mga tanggapan.

May mga posisyong bakante para sa mga gustong maging ahente o kaya'y technical at administrative personnel.

Sa ngayon, ayon kay Aquino, nasa 1,898 lamang ang tauhan ng PDEA mula sa kinakailangang 2,271.

Naka-deploy ang mga tauhan ng PDEA sa national at regional offices ng ahensiya.

Makikita ang kabuuang listahan ng mga bakanteng posisyon sa website ng ahensiya: http://pdea.gov.ph/

-- Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.