Customs deputy commissioner Gambala nagbitiw sa puwesto

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2017 10:39 AM

Capt. Gerardo Gambala of the Bureau of Customs attends the Blue Ribbon Committee hearing on the P6.4-billion shabu shipment at the Senate, 11 September 2017. George Calvelo, ABS CBN News

MAYNILA - Nagbitiw na sa puwesto si Customs Deputy Commissioner Gerardo Gambala kasunod ng kontrobersiya sa pagpasok sa bansa ng P6.4 bilyong halaga ng shabu shipment.

Sa panayam ng Radyo Patrol sa telepono kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, sinabi nitong halos dalawang linggo na ang nakararaan nang maghain ng "irrevocable resignation" si Gambala.

Ayon pa sa hepe ng Bureau of Customs, ikinatwiran ni Gambala sa pagbibitiw na kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

Hinawakan ni Gambala sa BOC ang tanggapan ng Management Office information and technology system.

Isa si Gambala sa mga kasama sa listahan ni Senador Panfilo Lacson ng mga opisyal na tumatanggap umano ng tara sa Customs, bagay na itinanggi ng nagbitiw na opisyal.

Nagsumite naman na si Lapeña kay Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng mga taong pwedeng ipalit kay Gambala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.