Trak tumagilid sa Katipunan Avenue

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2017 03:01 PM

MANILA - Isang trak ang tumagilid sa kahabaan ng Katipunan Avenue papuntang C-5 sa Quezon City at nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko Sabado ng madaling araw.
 
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constable Miguel Valeriano, pilit kinarga ng boom truck ang isang concrete post ng Meralco. 

Sa sobrang bigat, bumigay ang tinatawag na boom o crane nito. Naputol ang crane at nahila ang sasakyan, sanhi ng pagtagilid nito.

Tinamaan pa ng trak ang isang L300 van.

Wala namang nasaktan sa aksidente pero nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar dahil dalawang lane ang okupado ng tumagilid na trak at isa lang ang natira para sa mga dumaraang motorista. 

Bandang alas-5 ng umaga na nang natanggal na ang trak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.