Leni dinala ang 'Lakbay Kwento' sa Nueva Vizcaya

Danielle Louise Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2017 10:21 AM

Bumisita si Vice President Leni Robredo sa isang paaralan sa Nueva Vizcaya Biyernes ng hapon para sa kaniyang "Lakbay Kwento," isang programa na naghihikayat sa mga bata na mahalin at ugaliin ang pagbabasa. 

Nagkaroon ng storytelling si Robredo sa mga mag-aaral sa Grade 1 sa Bintawan South Elementary School sa bayan ng Villaverde bilang bahagi ng kaniyang adbokasiya. 

Naniniwala si Robredo na ang pagbabasa ay siyang daan para sa magandang kinabukasan.

Dito umano nagsisimula ang pagiging malikhain ng isip. Sa pagbabasa rin nakakakuha ng mga impormasyon ang mga bata at natututong maging mausisa.

Nagbigay din ng mga story books sa mga estudyante si Robredo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.