4 huli sa drug session sa QC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2017 11:42 AM

Huli sa akto ang apat na katao, kabilang ang isang buntis, sa isang drug session sa Barangay Krus na Ligas sa Quezon City, Sabado ng madaling araw. 

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Rose Maquinad, Jason Gagarin, Jonathan Guian at Eduardo Fernandez. 

Huli ang grupo sa gitna umano ng isang pot session nang magsagawa ang Quezon City Police District Station 9 ng anti-drug operation sa Tiburcio Extension.
 
Nakuha sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. 

Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Anonas Police Station. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.