3 menor de edad huli sa pagsinghot umano ng solvent sa QC

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2017 12:03 PM

MANILA - Tatlong menor de edad ang dinala sa Kamuning Police Station matapos ang operasyong ikinasa para hulihin ang mga batang sumisinghot umano ng solvent sa kalsada.

Isinagawa ang operasyon kasunod ng reklamo ng ilang residente na karaniwang nakakakita ng mga batang lango umano sa solvent sa bahagi ng East Avenue, Quezon City.

Itinanggi naman ng mga nahuli na sumisinghot sila ng solvent.

Ayon sa 16 anyos na batang lalaki na nahuling may hawak na bote ng solvent, nangangalakal lang siya sa lugar nang dumating ang mga pulis.

Ayon sa binatilyo, biglang nagpulasan ang mga batang noo’y sumisinghot umano ng solvent at itinapon sa kanya ang bote.

Ibinigay ng mga pulis ang kustodiya sa mga menor de edad sa Department of Social Welfare and Development.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.