1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Lipa

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2017 08:23 AM | Updated as of Oct 07 2017 04:30 PM

Courtesy of Lipa City PNP

Isa ang patay at isa naman ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Lipa City. 

Papasok sana sa isang fast food drive-thru sakay sa kotse ang dalawang lalaki nang bigla silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Mataas na Lupa, Biyernes ng hapon.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isa sa mga biktima, habang sugatan naman ang isa pa. Hindi bababa sa apat na basyo ng bala ang nakuha ng mga pulis sa crime scene.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang mga biktima hangga't hindi nila naipapaalam sa mga kaanak nito ang nangyari sa kanila.

Inalerto na ang Oplan Kalasag sa buong probinsya para matunton ang mga salarin na nakatakas umano gamit ang isang puting van.

Tuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang naging motibo sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.