TINGNAN: Pinsala sa pagbigay ng tangke ng tubig sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 10:39 AM | Updated as of Oct 06 2017 11:33 AM

 

Tila delubyo ang naranasan ng mga residente sa Barangay Muzon sa City of San Jose del Monte, Bulacan ngayong Biyernes ng madaling araw.

Kasunod ito ng pagsabog ng tangke ng tubig na dakong alas-3:30 ng madaling araw, kung saan tatlo na ang kumpirmadong patay.

TINGNAN: Tangke ng tubig na sumabog sa San Jose del Monte, Bulacan ngayong Biyernes. Kuha ni April Rafales, ABS-CBN News

Gawa sa bakal ang tangke, na may laking 13 metro x 14 metro, taas na 3 palapag, at may 2,000 cubic meter capacity.

Nagkalat sa lugar ang pinsala ng pagsabog nito.

Nabagsakan din ng sumabog na tangke ang isang bahay na katabi nito.

Nagiba ang ilang istruktura habang nagsibagsakan at nasira ang bubong ng ilang kabahayan sa naturang subdivision.

Pati mga motorsiklo, sirang sira din.

Hindi pa makadaan sa kalsada ang mga motorista dahil naman sa tuloy-tuloy na clearing operations. Stranded din ang ilang residente dahil dito.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad kung sino ang mananagot sa insidente.