'I hate that': 2 empleyadong 'malakas' umano kay Duterte, sinibak

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 12:31 PM

Pinatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto ang dalawang kawani ng gubyerno na pinangangalandakang malakas sila sa kanya.

"I signed, firing two people from Malacanang. Kung ano-anong pinagsasabi sa labas na malakas...I hate that," ani Duterte.

Nitong Huwebes nilagdaan ni Duterte ang pagtanggal sa dalawang empleyado na nagta-trabaho sa Malacañan.

Ayon sa sources sa Malacañan, mag-asawa ang pinagbitiw ng Pangulo.

Hindi na inaanunsiyo pa ni Duterte ang mga pangalan ng mga empleyado ng gubyerno na kanyang pinatalsik na sa pwesto dahil sa pagkakasabwat sa korapsiyon.

"Hindi ko na ina-announce po kasi in fairness to the family, yung iba tapos na kasi ang mga anak nila, mga duktor na, abugado, mapahiya. Sabi ko mag-resign na lang," sabi ni Duterte.

Kahapon din ay nilagdaan ni Duterte ang anti-corruption commission na magiimbestiga sa mga tiwaling appointees at iba pang kawani ng gubyerno.

Nasa Brunei ngayon ang pangulo para makiisa sa mga heads of state na naimbitahan para sa pagdiriwang ng ika-50 taong buhat nang mamuno si Sultan Hassanal Bolkiah. Ulat ni Dexter Ganibe, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.