Mga empleyado sa NAIA, posibleng maparusahan sa pag-aabsent ngayong 'peak season'

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2017 02:32 PM | Updated as of Oct 05 2017 08:02 PM

Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na iwasan ang pagliliban sa trabaho kung ayaw maparusahan ng pamunuan.

Ito ay kasabay ng pagsisimula ng "peak season" ngayong papalapit na ang kapaskuhan. 

"The peak travel season has started. I am asking our immigration officers at the airport to be punctual and avoid unnecessary absences," ani Morente.

Pinasusumite naman ang mga pangalan ng mga empleyadong madalas uma-absent o nahuhuli sa trabaho upang hingan ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng administratibong parusa. 

"We have also noticed that some of our personnel have a tendency to file leaves of absence before and after their days-off and during weekends and holidays...This practice should be stopped," ani naman ni Marc Red Mariñas, BI port operations division acting chief. 

Ayon sa civil service rules, ang madalas na hindi awtorisadong pag-aabsent ay maaaring magresulta sa suspensyon o pagkakasibak. 

Siniguro naman ni Morente na sapat ang kanilang tauhan para serbisyuhan ang pagdagsa ng mga pasahero sa nasabing paliparan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.