Lalaki at kinakasamang buntis, patay sa pamamaril sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2017 06:09 AM

Patay ang isang mag-live-in partner matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin sa Barangay Fortune, Marikina City Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Dante Aston, 32, at Cherry Maria Mansan, 30.

Dineklarang dead on the spot ang mga biktima. 

Si Aston ay isang construction worker samantalang si Mansan ay tatlong buwang buntis.

Natutulog na umano ang mga biktima sa pangalawang palapag ng kanilang bahay sa Bonanza Phase 2 nang bigla silang pinagbabaril.

Ayon sa tiyahin ng lalaki na si Susan Ong, maraming motor daw ang dumating sa lugar nila. Naka-bonnet pa ang mga suspek.

Dagdag pa ni Ong na dati umanong gumagamit si Aston ng droga pero nagbago na ito.

Inaalam pa ng pulis ang motibo sa pamamaril. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News; DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.