Dating barangay captain, pinagbabaril sa Navotas

Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2017 10:39 AM

Patay sa pamamaril ang isang dating barangay captain sa Navotas, Huwebes ng madaling araw.

Natagpuang patay ang 64-anyos na si Bernildo "Totit" Ocampo sa M. Naval Street, Barangay Daanghari, Navotas alas-3:30 ng madaling araw.

Angkas daw sa motorsiklo si Ocampo ng kanyang driver na kinilala lamang na Pompy Macario nang barilin ng lalaking nakamotorsiklo.

Ayon sa mga residente, nakatakas ang driver at nadala sa Tondo General Hospital.

Pauwi na daw si Ocampo at ang kanyang driver mula sa Navotas fish port nang mangyari ang insidente.

Dati daw barangay captain ng San Roque si Ocampo.

Ikinagulat naman ng pamilya niya ang pamamaril dahil wala naman daw kaaway si Ocampo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.