ALAMIN: Mga lugar sa QC na magdamag mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2017 04:58 PM | Updated as of Oct 03 2017 06:32 PM

Pansamantalang mawawalan ng tubig ang halos 12,000 kabahayan na sineserbisyuhan ng Manila Water sa Quezon City.

Magsisimula ang water interruption sa mga sumusunod na barangay simula alas-10 ng gabi, Oktubre 3 (Martes) hanggang alas-5 ng umaga, Oktubre 4 (Miyerkoles):

  •  Laging Handa
  •  Paligsahan
  •  Roxas District
  •  Obrero
  •  Kamuning

Samantala, may isasagawa ring "service improvement" ang Manila Water sa West Triangle sa Oktubre 4, alas-10 ng gabi hanggang Oktubre 5, alas-5 ng hapon.

Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente ng apektadong lugar na mag-ipon ng sapat na tubig para sa water interruption.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.