6 rebeldeng NPA, sumuko sa Agusan del Sur

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2017 10:26 PM

Isinuko rin ng mga miyembro ng New People's Army ang kanilang mga armas sa militar nitong Linggo sa Agusan del Sur. Kuha ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Sumuko ang anim na miyembro ng New People's Army (NPA) sa militar sa Talacogon, Agusan del Sur nitong Linggo.

Ang mga miyembro ay mga Manobo umano na matagal nang nasa kilusan.

Dalawa sa kanila ay mula sa NPA Guerilla Front 34 habang ang apat ay mula sa Guerilla Front 88.

Isinuko rin nila ang mga baril at mga bala na nakuha nila mula sa militar sa isang engkwentro noong Biyernes. 

Ayon kay alyas Junjun, 18 anyos siya nang pumasok sa kilusan. Wala umano siyang natanggap na pera sa 7 taong bahagi siya ng NPA.

Dagdag niya, nagdesisyon siyang sumuko para magbagong buhay.

Plano ngayong pumasok ni alyas Junjun sa pagka-sundalo. Suportado naman ng Armed Forces of the Philippines ang mga sumukong NPA na maging bahagi ng militar.

May katumbas namang halaga ang mga isinukong armas ng NPA at makakatanggap din sila ng livelihood assistance.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.