Dasal at zumba, 'pinagaling' ang 500 dating adik sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2017 12:39 AM

Mahigit 500 drug surrenderees ang nagtapos sa anti-drug use program ng Quezon City local government.

Mula sila sa iba't ibang barangay sa Quezon City at sumailalim sa ilang buwang psychosocial intervention program ng anti drug abuse council ng lungsod.

Kabilang dito ang spiritual at social intervention. May physical activities din tulad ng pagsasayaw ng zumba.

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy belmonte, pahiwatig ang pagdami ng mga sumasailalim at nagtatapos sa programa kontra paggamit ng droga na matagumpay ang isinasagawang paghikayat sa mga dating nalulong na magbagong buhay.

Sa ngayon, 19 na sa 142 na barangay sa Quezon City ang idineklara nang "drug cleared." 

Mensahe ni QC Police District Director General Guillermo Eleazar sa mga nalululong sa ilegal na droga, huwag matakot na lumapit sa kinauukulan kung nais nang magbago.

Sa datos ng QCPD, bumaba na ng 38% ang antas ng krimen sa lungsod dahil sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.