Comelec gunban at checkpoints, ikinasa na

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2017 07:59 AM | Updated as of Oct 01 2017 09:19 AM

Police flag down motorists at a checkpoint in Rodriguez, Rizal October 1, 2017. Photo by Noel Alamar, ABS-CBN News

Ikinasa na ang mga checkpoint sa iba't- ibang lugar sa bansa hatinggabi ng Linggo alinsunod sa pagpapatupad ng gunban ng Commission on Elections bilang paghahanda sa barangay at SK elections ngayong buwan.

Sabi ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, District Director ng QCPD, regular ang mga isinasagawa nilang checkpoint sa lungsod.

Paalala naman ng mga otoridad, hindi kailangan kapain o halughuhin ang mga gamit ng mga pasahero at motorista at plain view doctrine lamang ang ipinapatupad.

Wala rin munang bisa pansamantala ang PTC o permit to carry ng isang pribadong indibidwal. Tanging mga pulis at militar lamang ang pinapayagang magdala ng baril sa mga panahong may gunban.

Maaaring maharap sa 6 hanggang 12 taong pagkakakulong ang sinumang mahuhuling lumabag sa gunban.

Magtatagal ang nationwwide gunban ng Comelec hanggang Oktubre 30 pero posible itong ipatigil sakaling hindi matuloy ang barangay at SK elections ngayong taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.