SUV bumangga sa nakaparadang pick-up sa QC

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2017 09:57 AM

MANILA - Sugatan ang pasahero ng isang SUV matapos bumangga ang sinasakyan sa nakaparadang pick-up sa Ilocos Sur Street, Quezon City madaling araw Sabado. 

Pauwi na sana sa Project 8 ang biktimang kinilalang si Michael Kelvin Manalo at ang partner niyang si Ritchie Hernaez galing sa inuman.

Bagama't aminadong nakainom si Hernaez na siyang nagmaneho ng SUV, itinanggi niyang ito ang dahilan ng aksidente.

Ayon kay Hernaez, nagtalo sila ni Manalo at pilit nitong inagaw ang manibela kaya sila nabangga.

Nasugatan ang ulo ni Manalo na umiiyak sa sakit nang kinukuha ng rescuers mula sa loob ng sasakyan.

Dinala siya sa Quezon City General Hospital.

Nayupi rin ang likuran ng isa pang nakaparadang kotse kung saan tumama ang binanggang pick-up.

Handa umano si Hernaez na sagutin ang gastos sa pagpapagawa ng mga sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.