2 motorcycle rider patay matapos bumangga sa bangketa

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2017 10:11 AM

MANILA - Dalawa ang patay matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa bangketa sa Quezon City. 

Nagtamo ng mga sugat sa ulo sina Anthony Valencia, 36, at Reynante de Guzman, 34, matapos tumilapon sa pagkakabangga sa kanto ng Judge Juan Luna Street at Del Monte Avenue. 

Ayon kay Barangay Tanod Henry Bobier, mabilis ang takbo ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang biktima. 

Binabagtas nila ang Del Monte Avenue at papaliko na sa Judge Juan Luna pero nawalan ng kontrol at bumangga sa gutter ang motorsiklo. Tumilapon ang dalawa at humampas sa pader ang mga ito.

Aminado ang kapatid ng biktima na si Jay R Valencia na nakainom ang mga biktima at wala ring suot na mga helmet.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.