Pagpaparami ng salt water crocodile, pinag-aaralan sa Palawan

Hazel Salas, ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 05:37 PM

BALABAC, Palawan - Pinag-aaralan na ang pagpaparami ng mga salt water crocodile dito sa bayan matapos madiskubre ang 40 hanggang 50 na itlog ng naturang species noong Linggo.

Ang saltwater crocodile ay itinuturing na isa sa pinakamalalaking uri ng buwaya na maaaring umabot ng 5 hanggang 7 metro ang haba.

Isang nanganganib na species ang salt water crocodile na may scientific name na Crocodylus Porosus dahil sa mababang survival rate ng mga bagong pisa na supling nito.

Ayon sa mga eksperto, malaki ang papel ng salt water crocodile upang mabalanse ang marine ecosystem sa lugar.

Hangad ng mga opisyal sa probinsya na maideklarang "critical habitat" ang mga lugar na pinamumugaran ng mga salt water crocodile upang hindi magambala ang pagpaparami ng mga buwaya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.