P720K shabu, nasabat sa 'Oplan Pokemon' sa Cebu

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 08:03 AM

CEBU CITY - Nasabat ang iligal na drogang nagkakahalaga ng P720,000 mula sa mga suspek na arestado sa 'Oplan Pokemon' dito sa lungsod, Huwebes.

Ang Oplan Pokemon ng Cebu ay isang operasyon kung saan sinusuyod ng mga awtoridad ang lungsod upang arestuhin ang mga indibidwal na lumalabag sa iba't ibang batas at ordinansa sa lugar.

Ayon kay Supt. Ryan Deveras, pinagdadampot ang 61 na drug suspek, 17 na magnanakaw, 13 na dawit sa iligal na pasugalan, 11 na may mga nakabinbin na warrant of arrest, at 17 na may iba pang kaso.

Ang ilan sa mga naaresto ay dati nang mga sumuko sa pulis noong nagsimula ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan, saan ni Deveras.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.