P14M shabu nasabat sa Cebu

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 08:12 AM | Updated as of Sep 29 2017 09:51 AM

CEBU CITY - Hindi bababa sa P14 million na halaga ng shabu ang nakuha sa buy bust operation sa Barangay Labangon, Huwebes ng gabi.

Nasa 1.2 na kilo ng ilegal na droga ang nakuha mula sa 25-anyos na suspek na si Rodel Tampus.

Ayon sa mga awtoridad, isang buwan minatyagan si Tampus na nasa listahan ng mga high value target ng kapulisan.

Mariin namang itinanggi ni Tampus na sa kanya ang mga nakuhang shabu. 

Giit ng suspek, iniwan lang ng kaniyang kaibigan ang mga paketeng ito sa kanilang bahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.